BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Miyerkules, Marso 9, 2011

Basahin Mo Ito!

Hindi lahat ng nasa isip mo ay makakaya mo. Hindi ka supernaturals katulad nila Superman, Wonderman, at kahit sino pa mang MAN at mas lalo namang hindi ka si Underdog dahil hindi ka aso (may aso bang nakakapagpabasa?). May power ka man o wala (pwera lang ang kili-kili powers na iyong tinataglay sa mga panahong ito), tanggapin mo ang katotohanan na lahat tayo ay may kahinaan, na lahat tayo ay may kasiraan, at lahat tayo ay hindi kayang gawin anuman ang gustuhin natin. Katulad ko, isa ka lang ding normal na tao (makikiraan sa mga hindi matino mag-isip), may mata na kayang makabasa at mga ginuntuang mga daliri para ipangtipa sa bulok nang keyboard ng anumang computer na gamit mo. Ipagpasalamat mo iyan. Unang-una, hindi lahat ng tao ay may kakayahang gumamit ng computer. Pangalawa, may mga taong may kakayahan mang gumamit ng computer pero kulang ang mga kamay. Pangatlo, may kagustuhang pumunta sa computer shop pero hindi kaya dahil walang mga paa. Pang-apat, may mga taong hindi suportado ng mga magulang sa pagsusulat ng panitikan at binubulok ang kanilang mga talento sa kanila lamang mga isipan. Bakit hindi ito pagyamanin? Bakit hindi ito gamitin?
Magpasalamat ka! Una sa Diyos na nagpahiram sa iyo ng buhay, nagbigay ng iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Pangalawa, sa iyong pamilya na pilit kang iniintindi sa kabila ng mga kamaliang iyong nagawa at patuloy ka paring inaalagaan, sinusuportahan at minamahal. Pangatlo, sa iyong mga kaibigan na through ups and downs ay hindi ka iniiwan. At pang-apat, sa AKIN na nagngangalang GRACE na walang ginawa kundi sayangin ang oras mo sa pagbabasa ng laman ng blog ko. Salamat na rin sa iyo! At sana'y subaybayan mo pa rin ako!

Martes, Marso 8, 2011

Death

August 2, 2004 was the day when he left me. It’s been five years since then. His death makes me wonder why we have to leave our love ones and the world where we are living. I’m only twelve years old then. He served me as my best friend and my boyfriend.
During his burial, we celebrated his 70th birthday. It was August 7. Before he left, I prepared a perfect birthday celebration for him using my allowances. I also prepared a letter. I wrote there all our funny moments shared together-drinking coffee during noon, sitting beside the braces of our hanging bridge, making some noise during siesta hours and riding on his carabao. And that letter was read in front of his coffin and beside my parents.
He changed my life. Since his death, I never tried again to drink coffee even in the morning and noon, to sit beside the braces of our hanging bridge, to ride on a carabao, and just sleep alone during siesta hours.
My grandfather’s death was the hardest thing to accept that time. But as time goes on, I tried to accept the truth of life-that nothing is permanent in this world. Even I’m a grandfather’s girl, I learn how to face the world without him physically but I know, he’s always beside me spiritually and mentally.

Tatak NS5

Maraming salamat sa ating mga pinagsaluhan
Tawanan biruan, kulitan at maging kagaguhan
Sa mga kwentuhang ating pinagkaguluhan
Maraming salamat sa inyo mga kaibigan.

Tatak NS5 huwag sanang mabura
Hanggang sa pagtanda ay atin pa ring dala
Sapagkat ito’y ating tanda ng ating pagkakaisa
Sa hirap at ginhawa, minsan ay nagkasama-sama.

Alam kong darating ang panahong tayo’y magkakahiwa-hiwalay
At sa isa’t isa’y, tayo’y mawawalay
Pero sana sa ating alaala’y lagging nananalaytay
Ang tatak NS5 na hindi mamamatay.

Patawarin niyo sana ako sa aking mga kasalanan
Sapagkat ako’y isang tao lamang
Mga pagkukulang ko sana’y aking mapunan
Sa loob ng isang linggong nalalabi nalang.

Ang isang taon ay tunay na mapakaikli
At hindi mo nararamdaman na ito’y naiwawaglit
Sapagkat ito’y puno ng pakikipagsapalaran
Sa buhay kolehiyo na ating pinasukan.

At alam kong hindi rin ito sapat
Upang magkakilala tayong lahat
Pero sana mga alaala’y ating isa-aklat
Upang anong oras man ay pwedeng mabuklat.

Walang permanenteng bagay ditto sa mundo
At yan ang tandaan at laging isaisip mo
Huwag magdesisyon kapag hindi sigurado
Sapagkat baka mga pangarap ay biglang maglaho.

Walang limutan yan ang aking pangako
Pangakong kailanma’y hindi mapapako
Sapagkat sa buhay kong ito dito sa kolehiyo
NS5 ang nagging unang kaibigan ko.

Sakit sa Puso

Isang natatanging sakit sa aki’y dumapo
Maaaring magpatigil sa tibok ng aking puso
Anumang oras ay pwede akong maglaho
At hindi masasaksihan ang muling pag-ikot ng mundo.

Mahirap tanggapin ang pagkakaroon ng ganitong pait
Hindi pangkaraniwan ang nararamdamang sakit
Na parang ang puso’y laging pinipitpit
At ang hangin ay parang laging iniipit.

Maraming minamahal ang kailangang iwan
Isa na riyan ang mga tunay na kaibigan
Na sa hirap at ginhawa’y hindi ka iiwan
Maaasahan mo lagi sa oras ng pangangailangan.

Nariyan din ang pamilyang handing sumaklolo
Sa tuwing susumpungin nitong aking sakit sa puso
Pagmamahal at pag-asa ang iyong matatamo
Upang magtagal ang buhay ditto sa mundo.

Maiiwan ko din ang lalaking nagmamahal sa akin
Puso’t isipan ko’y siya lamang ang umaangkin
Sa lahat ng oras ako’y handing paligayahin
At hanggang sa kabilang buhay, siya pa rin ang iibigin.

Ako’y laging nagtatanong sa Poong Maykapal
Kung bakit ako pa ang Kanyang biniyayaan
Ng sakit na itong kayhirap lagpasan
Salamat, hindi Niya pa rin ako pinapabayaan.

Kaibigan Lang

Hindi maiiwasang sa kanya'y mamangha
Sa pagkatao niya, ako'y natutuwa
Mga mata niya;'y tila nangungusap
Sa pagtitig sa kanya'y di ako makurap.

Kaibigan lamang ang tingin niya sa 'kin
Pag-ibig niya'y sa iba naibaling
Kaya ako ngayo'y patingin-tingin
Kaibigan lang, wala ng ilalalim.

Siya'y tila isang bituing maningning
Nakikita ko man, ngunit hindi maangkin
Hindi mahawakan, masarap tanawin
Hindi niya alam, ako'y may lihim na pagtingin.

Kaibigan lang ang tingin niya sa akin
Sa pagtawa at pag-iya ako'y kanyang kapiling
Ngunit bakit pag-ibig ko'y hindi niya pansin
At ako ngayo'y umiiyak, nag-iisa, walang kapiling.

Kaysarap Umibig

Ang ibigin ka ay tunay na kaysarap
Sarap na umaabot hanggang alapaap
Alapaap na kinaroroonan tuwing tayo’y magkayakap
Yakap din ang pag-asa na tayo pa rin sa hinaharap.

Sintayog ng kawayan ang ating pagmamahalan
Pagmamahalan na kailanma’y hindi makakalimutan
Mawakasan man ay marahil sa kamatayan
Kamatayang hindi dahilan upang ika’y kalimutan.

Maraming problema man ang sa ati’y dumating
At lahat sila’y humadlang sa atin
Ating hangad lamang ay tanging kasiyahan
Kasiyahan na sa iyo lamang nararamdaman.

Kaysarap pakinggan ng tinig ng ‘yong puso
Puso mong sumisigaw at sa aking ay nangangako
Pangako na kahit kalian ay hindi sana maglaho
Maglaho tulad ng mga ibon at dahon sa puno.

Kaysarap mangarap kung ikaw ang kasama
Kasama ang isa’t isa sa pagbuo ng pamilya
Pamilyang mag-aaruga kapag tayo’y matanda na
Matanda ngunit hindi kailanman magbabago sa isa’t isa.

Sa Pangalawang Pagkakataon


Naganap ang pangalawa kong paghahandog ng sarili kong handog noong February 15. "Give Love, Gift Blood" ang tema ng programang ito na itinaon naman sa panahon ng araw ng mga puso. Hindi na ko natakot sa mga oras na iyon. Mukhang nasanay agad ang aking katawan sa una palang. Mukhang maging libangan ko na ito (hindi naman lagi, baka maubusan naman ako). Sa akin lang ay bigyan natin ng pagkakataon ang iba na makita ng iba ang ganda ng buhay. Nakita ko na e, bakit hindi ko ise-share?